Make your own free website on Tripod.com

Home


Reunion Meeting
September 1,2007
By Eric J. Dedace

Good evening Batchmates! Naka – attend po ako ng meeting kaninang hapon sa “High Temparature”, …..one of the new and emerging hip places for the young and the ” not – so – young “ (Tayo yun!) in Lucena nowadays! Pag-aari po ito ng daughter at son – in – law ni batchmate Jessie de Vera, sa itaas ng “ Zyumurgy “, malapit sa CAP Building. Nabasa ko po ang e mail ni Lillian del Mundo sa batch ’77 Tambayang ito ni Web Mastah Rolan Millares kaya ko nalaman na meron pala! Try ko yung lumang Cell # sa akin ni Ian at buti di pala siya nagpapalit at text niya sa akin ang particulars.

Anyway, alas kuwatro po ang usapan kaya mga 3:30 eh nag bus ako from Sariaya, baba ng Diversion at tuloy sakay ng jeep pa Bayan, baba ng Cathedral. Akala ko eh na late ako dahil 4:05 na at walang batchmate sa labas, kaya ite-text ko na si Ian ng biglang …sino aring mga nadating? Aba’y sina Sitang at Susan pala…” Hoooy, kumusta na kayo? Blah-blah-blah! “ Pero aaminin na natin na talagang hindi na tayo bagets, dahil ngay-on lang kami nangapadpad sa establisamentong ito …
“ Zymurgy”, at naka karatula ang High Temperature sa taas. Akala nga namin eh dun ang daan paitaas at kami’y pumasok pero...
…..ooooops, hindi pala, kaya labas ulit kami at itinuro sa amin ng waiter ang hagdan sa pailaya…ayun! May paakyat na staff ng High Temperature kaya tinanong ni Sitang kung may ibinilin ang may ari at sinabing yes, expected nga raw kami, pero minabuti naming mag – antay pa muna ng mga dadating bago umakyat. Saglit lang ay ayan na si Ian at siyempre,
kumustahan ulit, tapos ay biglang may pumansin sa aking “namumuting buhok sa noo “ kaya naging “uban talk” na kami! Nasa gitna kami ng “paputian” nang dumating si Nelson…kumustahan blues na naman bago kami nagsipag-akyatan at pumasok sa loob.Pinagdikit-dikit ng mga waiters ang tatlong lamesa para ma-accommodate ang mga dadating pa at pag-upo namin ay nag text si Nelson kay Nilo Villapando pero may trangkaso pala kaya beg - off muna si batchmate.

Dumating si Jessie at nag-order siya ng potato fries para may mangatngat kami habang tumutungga ng Ice Tea ( Glug-glug-glug! ). Yung mga nag-iingat na sa kalusugan gaya niya at ni Sitang ay “Gripo Juice with Ice” na laang (Glug-glug-glug din sila). Si Ian naman ay nalimutan ang kanyang glasses kaya palayo ang pagbabasa niya…bigla ko tuloy naalala sina Misses Daleon, Zuniga at RRV noong ating kapanahunan! A-ah, everywhere you look ay Senior Citizen material ang iyong makikita, ten plus a few years from now! Pero okay lang, what we can’t control chronologically, we can compensate by being young at heart, di baga? Pipito lang kaming dumating pero “Quality Bonding” kumbaga , as in masaya….. the spirit of ’77 is alive and well so to speak! And to be official about it, the “Magnificent Seven “ (kami yun kanina…Marlboro Country Sound for emphasis) who attended the meeting are …Lillian del Mundo – de Guzman, Maricel Abril – Vito, Nelson D. Singson (ang ating Reunion President), Teresita Anate – Javellana, Eric J. Dedace, Susan Alzaga – Solatan and Jessie de Vera!

Kahit very dull ang agenda … “Solicitation” ay “never a dull moment” kumbaga dahil sa aming dagdag na baong “Tawanan Sandwich”, lalo na at dito naka depende ang buhay ng ating pag re reunion! A draft of the solicitation letter, a product of their previous meetings was at hand, and favorable adjustments were made on the amounts in pesos for the front, back, inner front and inner back cover pages of the Souvenir Program, while full page ads will be at one thousand and five hundred pesos only (P1,500.00). Kayang-kaya po ito ng mga batchmates natin na binahaan ng biyaya ni Lord di po baga?

Next concern was the distribution of these solicitation letters, the roving and “Layasan Blues” activity so to speak! Mapagod po itong gawaing ito pero masaya at kalugud-lugod dahil makaka chika po natin ang mga batchmates sa kani-kanilang mga tahanan, in a relaxed, cozy and wonderful manner. Siyempre, andyan na rin po yung mga masasayang kumustahan, updates sa mga ibang batchmates na nakaka-jamming ng mga sasadyain, at kasama na rin ang mga pa miryenda-lunch-dinner kung sinusumpong sila ng sobrang kagalantehan di po baga? Mas lalong okay kung bitbit ang mga digicam para mai document ang mga bungisngisan moments and proceedings na ito at maihabol sa Souvenir Program if ever!

Whatever, the first leg will be the following Saturday, September 8, 2007 with Pagbilao as destination. Dahil hindi puwede ang mga misis sa umaga dahil yun daw ang pagbuno nila sa isang linggong labahin, gagawing hapon ang schedule. Ang meeting place ay kina Sitang at Anton sa kanilang walang kamatayang Life Studio at ang sasakyan ay kay Presidente Nelson! Sa September 15 naman ay Laguna ang pupuntahan…..the likes of Antonio Bana, Silvano Buama, etcetera, at ang car ay courtesy naman ni batchmate Renato Pavon! Si Ricky Osmond naman ang care of sa mga Metro Manila batchmates sa September 22 na ang alis daw ng Lucena ay madaling araw para makarami kumbaga! Sa September 29 ay Lucena ang iikutan ng solicitation team at ito ay sa pamamahala ni Jessie!

Dahil ayaw na naming magsi kain pa, especially si Ian na may Kamayan Sa Palaisdaan engagement pa ng 5:30 pm, ay umorder na lang sila ng sisig, na nilagyan pa ng itlog habang sizzling siya, at hinalo ng hinalo. Ito raw ang isa sa mga specialty ng establisamento at tunay nga, masarap ang sisig ng High Temperature! Highly recommended sa mga magpupunta doon para mag ambience at manood ng live band performance.

Ang Committee on Souvenir Program ay assignment namin ni Anton Javellana…..akin ang mga articles na susulatin at siya sa computer and technical design. Dadalahin nila ni Sitang ang mga photos na makukuha dito sa amin sa Sariaya para magawaan ng kaukulang text and caption at pagkapatos ay saka ko naman dadalahin sa kanila sa Life Studio for the lay – out. Ang deadline ng souvenir program draft ay sa October. Paging kayong mga batchmates na may natatagong photos and memorabilia…ipahiram po ninyo sa amin. Kina Sitang sa Life Studio at sa akin through text sa 0921 473 9894 or sa e mail add ko sinangag@gmail.com . Kayo rin, para naman makita din ninyo ang inyong mga sarili na naka feature sa ating Souvenir program!

Ang ating batch reunion ay sa December 29 – 30, 2007…..opo, di po kayo nagkakamali, an overnight affair, para ganoon na lang ang bonding! It will be a Saturday and a Sunday,and considering that it will be a very long week – end, Saturday to Tuesday, there will be plenty of time to spare for family gatherings thereafter! Ang venue ay hindi pa definite, at may apat na pagpipilian as follows :

1. Graceland sa Tayabas
2. Giuseppe sa Lucena – malawak daw ang grounds nito
3. Pueblo Por La Playa sa Bantigue, Pagbilao
4. Dalampasigan Beach Resort sa Guis-Guis, Sariaya
Please text or e mail your preferences if ever!

Makalampas ng 5:30 ay umalis na si Ian kasi panay na ang text ng mga kasamahan niya pa Kamayan Sa Tayabas, at di na rin kami nagtagal….adjourned ang masayang meeting ng halos 6 pm na! May tip po kami sa inyo mga batchmates …please attend the meetings para mas masaya at makakain din kayo nang sisig… at hindi kayo ang gawing sisig! He-he-he! Joke only! Be part of this historic get-together! Please attend the meetings and support our December Reunion wholeheartedly…….body and soul!



next page